Bule

madilim ang pagkakasalpak
magaspang nga
pero wag ka
daig na panghimas
nasanay na marahil sa
inimbak na lupang pula

lalabas sa pagkakakuyog
dahil sa
tila tadyak na patak
ng ulang lumulunod sa sandaigdigan
kasabay ng ulo’y
nalalaway na
katawan

sabay hanap ng kanlungan
sa pag-ahong kalunuslunos
malasin pa’y hahapagan
ng makalyong paa
luluwa ang laman,
manunuyo, maninigas
bahagi na uli ng bantugan ng
mga patay
di man nakaani ng pansin,
di man napaunlakan ng luha

di marahil mabigyan ng slot
sa katawang katiting

kumakandili sa patutunguhang
wala.
gamit mapang
sa bumbunan nakatatak

sige,
gapang… sige
mundo mo’y sapitin ng lagim at hapi
pag namataan
ng nandidiring kaluluwa
sasabuyan ka
hanggang sa…
aray!
Pasakit sa pag-usad
di na malalasap
hatid ng
mumunting butil ng asin.