Totoy

 

… Matatanaw ang gataong tass ng talahib
na siyang bumabanlong sa pook na liblib
at sa masukal na katahimika’y mababatid
ang isang hukay… ng taong walang malay
na sinisisi ng lipunan
ng magawang pagtaksilan ang lipunan
dahilan sa lubhang karalitaan…

Lumaki siyang matikas, at sing tigas ng bato,
si Totoy at ang kanyang puso…
ngunit ang bato’y napapalambot ng luha
lalo na’t hininga ng sinta ay nakataya;
ang siyang nagluwal sa kaniyang katauhan
ay nakaratay… naghihina…
at nadatnan ni Totoy na nakahiga
at labis-labis na ang panghihina;
at walang remedying maipangbango,
sa lusak ng kahirapan.
ng manipis na katawang sumusuko at
sa maputlang palad ang sapo ay dugo…
dukutin man ang bulsang butas…
ang gamot ay wala at paano na ang lunas?
… ang kakapusan ay naghari
at siyang nang hamon ang tukso muli…

Si Totoy ba gulo ang isip ay tumakbo…
hingal man at pagal na ang katawan
at bitbit niya ang kalawanging bolo at muling tumakbo
at sa ika alas-tres en punto
ay pumasok at nagbulabog itong si Totoy
at kahit sa kahuli-hulihang
kakalasing-kalasing na barya
ay sinimot ang caha de yero…
dala-dala niya ang bolo at tumakbo…
hingal man at pagal ang katawan,
di na naisip ang nagawang kataksilan
na handog sa sintang nakaratay
sa kawawang dulot ng kahinaan…
muli at muli’y tumakbo siya
upang saklooban ang isang pagdurusa
ngunit lahat ay huli na… at nasayang lang
at huli na ang handog niya mula sa kataksilan
at hukay ay naging huling hantungan
sa ngaluwal sa kaniyang katauhan…
Subalit ano mang kataksilan ay may bayad…
at agad siyang tumakbo at nagtago
sa bahay na ginawang tanggulan…
ngunit di na siya nakatinag na muli
at naratay na lamang din sa lupa ng pagkasawi
… at ang pangalang Totoyay nagmistulang isang nabibinging alingawngaw
ng isang kaluluwa na humanap ng lunas na kaginhawaan
ng nagmula sa kataksilan sa lipunan…
kung ito’y kataksilan man…

… at matatanaw ang gataong tass ng talahib
na siyang bumabanlong sa pook na liblib
at sa masukal na katahimika’y mababatid
ang isang hukay… ng taong walang malay
na sinisisi ng lipunan
ng magawang pagtaksilan ang lipunan
dahilan sa lubhang karalitaan…

spread the love