Exam

 

Alas 6:00 ng umaga
Gumising para mag-aral muli
Puyat pa simula kagabi

Alas 8:00 ng umaga
Naghahanda na, papasok
Hindi na nag-almusal

Alas 9:00
Sa eskwelahan, nag-aaral pa
Hirap na ang isip at kalooban

Alas 10:00
Nag-sulit, sukatan daw
Ng kakayahan

Alas 12:00 ng tanghali
Tapos na ang isa
Sisimulan ang iba

Paglipas ng ilang araw
Putang ina!
Bagsak din pala

spread the love